(Salin mula sa “How to Use the Taxi Driver” ni Umberto Eco)

Sa minuto nang pag-upo sa loob ng taksi, ang unang papasok sa isip ninuman ay kung paano uumpisahan ang pakikipag-usap sa tsuper. Ang isang araw ay binubuno ng isang tsuper sa pagmamaneho sa gitna ng trapiko (gawaing maaring magdulot ng sakit sa puso o padidiliryo) at pakikibaka laban sa iba pang motorista. Kung kaya siya ay madaling nerbiyusin at galit sa sinumang may anyong tao. Para sa mga kasapi ng radikal na grupo ng lipunan ang tsuper ng taksi ay isang pasista. Subalit ito ay hindi totoo. Ang tsuper ng taksi ay walang interes sa anumang problematikong ideyolohikal: galit siya sa mga demonstrasyong pinangungunahan ng mga unyon hindi dahil sa kung anumang oryentasyong ideyolohikal ng mga ito kundi dahil sila ay nakasasagabal sa daloy ng trapiko. Pareho rin siyang galit sa parada ng mga Dalagang Anak ng Duce. Ang tanging lamang niyang gusto ay isang matatag na pamahalaan na kayang magbaba ng hatol na bitay sa lahat ng may-ari ng pribadong sasakyan, magkaroon ng naaayon ngunit istriktong curfew — mula ala-6 ng umaga hanggang hatinggabi, halimbawa. Siya’s galit din sa mga babae, kapag hawak nila ang manibela. Kung sila’y natitigil lamang sa bahay at nagluluto ng pasta, kaya ng tsuper na mabuhay kasama sila.
Ang mga Italyanong tsuper ng taksi ay maaaring hatiin sa tatlong kategorya: yaong mga walang tigil sa pagsambit sa kanilang mga opinyon patungkol sa buhay sa kabuuan ng biyahe; mga walang imik ngunit pinapaalam nila ang kanilang galit sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kanilang pagmamaneho; at mga tsuper na nagpapalabas ng kanilang tensyon sa pamamagitan ng lantay na narasyon ng lahat ng nangyari sa kanila dito o doon. Ang mga ganitong tranches de vie ay walang alegorikong layon, at kung sila ay nasa inuman, sinuman ay posibleng sabihan ang lasing na tsuper na panahon na upang umuwi at matulog. Ngunit para sa stuper sa loob ng kanyang taksi, ang kanyang mga kwento ay kakatwa at kawili-wili. Pinapayo sa mga pasahero na regular na magbigay ng maiikling tugon tulad ng “Talaga? Isang kabaliwan. Seryoso ka bang sinabi niya talaga iyan?!” Ang ganitong pakikipagsabwatan sa ating tsuper ay hindi upang ilihis siya sa kanyang mga kwento, kundi upang tirhan ang pasahero ng katiting na pananalig sa kanyang sarili.
Ang isang Italyanong bumibisita sa New York ay ipinapahamak ang kanyang sarili sakaling mabasa niya sa lisensya ng tsuper na nakasabit malapit sa dashboard ang apelyidong tulad ng De Cutugnatto, Esippositto, Perquocco at malaman ng tsuper na ang kanyang pasahero ay isa ring Italyano. Ang tsuper ay mag-uumpisang magsalita ng wikang walang sinumang nagsasalita, at sasama ang loob sakaling di mo maintindihan ang kanyang sinasabi. Sa mga pagkakataong ganito, kailangan mong maipaliwanag sa kanyan gamit ang Ingles na ang tanging wikang alam mo ay ang diyelektiko ng iyong rehiyon. Sa gayon, makukumbinsi siya na sa kasalukuyan, Ingles ang pambansang wika ng Italya. Subalit sa kadalasan, ang mga tsuper ng taksi sa New York ay nahahati sa dalawa: ang mga apelyidong Hudyo at hindi. Yaong mga may apelyidong Hudyo ay mga konserbatibong Zionist; at yaong mga hindi ay mga reaksyunaryong Anti-Semitiko. Magkagayunman, ang dalawang ito ay parehong sa salita lang. Mahihirapan naman ng kaunti ang pasaherong sumakay sa mga may apelyidong tunog-Gitnang Silangan o Ruso sapagkat mahirap sabihin kung sila ay Hudyo o hindi. Upang maiwasan ang sakuna, sabihin mo na lamang na nagbago ang iyong isip at nais mo nang bumaba sa kanto ng Charlton. Ang tsuper, sa kanitong pagkakataon ay mag-uumpisang mag-amok, papadyak sa break, at uutusan kang dagliang bumaba, sapagkat tanging mga numero lamang ng kalye at hindi ang mga pangalan ng mga kalye ang alam ng mga tsuper sa Lungsod ng New York.

Sa kabilang banda, ang mga tsuper ng taksi sa Paris ay hindi alam ang pangalan ng anumang kalye. Sakaling magpapahatid ka sa Place Saint-Sulpice, pabababain ka niya sa Odeon, at sasabihing hanggang doon na lamang ang kaya niya. Subalit una’y magpaparinig muna siya sa iyong kalabisan at magsasabing “Ah, ca, monsieur, alors… .” Kung magbibigay ka ng suhestiyong kumunsulta siya sa mapa, maaring di ka niya sagutin, o sasagot siya ng pabalang at sasabihan kang kung gusto mo ng talang impormasyon sana’y sumangguni ka na lamang sa isang arkibist-paleografer sa Sorbonne. Ang mga taga-Asya naman ay lubhang kakaiba. Sasabihan ka nila ng maypaggalang na ‘wag mabahala at mabilis nilang mahahanap ang lugar, at makatatlong beses nilang iikutin ang rotunda, at tatanungin ka king ano ang ikina-iba kung, sa halip na dalhin ka sa Gare du Nord ay dalhin ka nila sa Gare de l’Est — pareho namang maraming tren sa parehong estasyon.
Sa New York, sa aking pagkaka-alam, hindi ka maaaring tumawag ng taksi sa pamamagitan ng telepono papunta sa iilang bahay aliwan; sa Paris, maaari mo itong gawin subalit hindi sila dumarating. Sa Stockholm, maari mo lamang silang tawagan sa pamamagitan ng telepono dahil ang nga tsuper sa lungsod na ito ay hindi basta-bastang nagtitiwala sa matandang kanilang nakikita sa tabi ng daan. Subalit upang malaman kung anong numero ng telepono ang kailangang tawagan, kakailanganin mong pumara ng taksi, ngunit gaya ng nasabi ko na, hindi sila basta-bastang nagtitiwala kaninuman.
Ang mga Alemang tsuper ay magagalang at palaging tama. Hindi sila ngsasalita at ang tanging alam nilang gawin ay ang pag-apak sa accelerator. Kung sa iyong paglabas at ikaw at namumutla sa sobrang takot, malalaman mo kung bakit sila pumupunta sa Italya upang magbakasyon at magmaneho sa iyong harapan, at tatakbo ng 60 kilometro bawat oras sa kalyeng inilaan para sa mga mabibilis na sasakyan.
Kung magkakaroon ng paligsahan sa gitna ng tsuper sa Frankfurt gamit ang kanyang Porsche laban sat super mula sa Rio de Janeiro sa kanayg lumang Volkswagen, ang tsuper galing Rio ang mauunang makarating, una dahil hindi siya humihinto sa ilaw pantrapiko. At pangalawa, kung sakali mang hihinto siya sa pulang ilaw, isang na namang lumang Volkwagen ang hihinto sa kanyang tabi upang kunin at itakbo ang relos ng kanyang pasahero.
Ngunit, sa alinmang bahagi ng mundo, may isang siguradong paraan upang makilala ang isang tsuper ng taksi: siya’y palaging walang baryang panukli.
Paano ang paggamit sa tsuper ng taksi
Nobyembre 8, 2009(Salin mula sa “How to Use the Taxi Driver” ni Umberto Eco)

Mga kategorya: Commentaries, Essay, Filipino Translation, Literature, Social Issues, Uncategorized
Tags: Anti-Semitism, Charlton Street New York, Daughters of Duce, De Cutugnatto, Esippositto, Milan Taxi, New York City Taxi, Odeon, Perquocco, Place Saint-Sulpice, Porsche, Rio de Janeiro Taxi, Taxi Driver, Trade Union, Umberto Eco, Volkswagen
Comments: 7 mga puna